Ang
pakikipaglaban upang matamo ang kalayaan ay siyang nagpapatunay na ang Pilipino
ay hindi basta nalang magpapadaig sa mga dayuhan. Kahit mahina ang hukbong
sandatahang lakas pero lumaban pa rin sila hanggang sa huling hininga. Madami
ang namatay upang ipagtanggol ang ating bayan. Sila ay nagkaisa sa iisang
layunin upang makamit ang tagumpay. Bagamat nagtagumpay ang iilan sa kanila
madami pa din ang nabigo at nawalan ng mahal sa buhay. Ang EL PRESIDENTE ay
nakapagbigay sa akin ng pansin kung papanu
nakipaglaban ang ating mga ninuno.Ang kalayaan ang tanging sigaw ng karamihan. At ito ang
patunay kung panu nila pinapahalagahan ang ating bayan. Madaming nagsabi na si
Emillio Aguinaldo ang unang pangulo sa kasaysayan ng ating bansa.Pero ito pala
ay isang maling paniniwala. Dahil sa kanilang pakikibaka at pagtatag ng
samahang rebolusyon di naiiwasan na magkaroon nang hindi pagkakaunawaan ng
bawat isa.Kaya sa panahon ngayon din a imposibleng magkaroon ng alitan ng bawat
isa sa paniniwala at maging pananaw sa
buhay. Kahit hanggang ngayon madami pading gulo kahit saang sulok ng mundo. Salamat
na mayroong nakipaglaban sa mga mang aapi para ipagtannggol ang ating
bayan.Salamat sa ating mga bayani na nagbuwis ng buhay dahil kung hindi dahil
sa kanila nasa ilalim pa din tayo ng pamumuno ng mga mang aapi.
Pero karamihan sa mga kabataan ngayon di
na naalala ang mga sinapit ng mga taong dahilan kung bakit tayo naging
malaya.Salamat dahil naituwid na din ang kasaysayan at mga maling paniniwala. Ang
pakikipaglaban ng ating mga ninuno ay katumbas din kung papanu tayo
makipaglaban sa mga problema na hinaharap natin sa ating buhay. Kung magpapadaig ka talo ka pero
paglumaban ka panalo ka. Kahit madaming problema na dumating kailangan harapin
at hanapan ng solusyon kagaya nung pinakita sa EL PRESIDENTE. Sa bawat pagsubok
na malampasan ito ay titibay.Katulad ng ating
bansa ngayon na nagkaroon ng sariling pamahalaan at masasabi kung
maunlad na tayo ngayon at din a katulad noon