Tuesday, March 10, 2015

REACTION PAPER ABOUT EL PRESIDENTE

Ang pakikipaglaban upang matamo ang kalayaan ay siyang nagpapatunay na ang Pilipino ay hindi basta nalang magpapadaig sa mga dayuhan. Kahit mahina ang hukbong sandatahang lakas pero lumaban pa rin sila hanggang sa huling hininga. Madami ang namatay upang ipagtanggol ang ating bayan. Sila ay nagkaisa sa iisang layunin upang makamit ang tagumpay. Bagamat nagtagumpay ang iilan sa kanila madami pa din ang nabigo at nawalan ng mahal sa buhay. Ang EL PRESIDENTE ay nakapagbigay sa akin ng pansin kung papanu  nakipaglaban ang ating mga ninuno.Ang kalayaan ang  tanging sigaw ng karamihan. At ito ang patunay kung panu nila pinapahalagahan ang ating bayan. Madaming nagsabi na si Emillio Aguinaldo ang unang pangulo sa kasaysayan ng ating bansa.Pero ito pala ay isang maling paniniwala. Dahil sa kanilang pakikibaka at pagtatag ng samahang rebolusyon di naiiwasan na magkaroon nang hindi pagkakaunawaan ng bawat isa.Kaya sa panahon ngayon din a imposibleng magkaroon ng alitan ng bawat isa sa paniniwala at  maging pananaw sa buhay. Kahit hanggang ngayon madami pading gulo kahit saang sulok ng mundo. Salamat na mayroong nakipaglaban sa mga mang aapi para ipagtannggol ang ating bayan.Salamat sa ating mga bayani na nagbuwis ng buhay dahil kung hindi dahil sa kanila nasa ilalim pa din tayo ng pamumuno ng mga mang aapi.

      Pero karamihan sa mga kabataan ngayon di na naalala ang mga sinapit ng mga taong dahilan kung bakit tayo naging malaya.Salamat dahil naituwid na din ang kasaysayan at mga maling paniniwala. Ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno ay katumbas din kung papanu tayo makipaglaban sa mga problema na hinaharap natin sa  ating buhay. Kung magpapadaig ka talo ka pero paglumaban ka panalo ka. Kahit madaming problema na dumating kailangan harapin at hanapan ng solusyon kagaya nung pinakita sa EL PRESIDENTE. Sa bawat pagsubok na malampasan ito ay titibay.Katulad ng ating  bansa ngayon na nagkaroon ng sariling pamahalaan at masasabi kung maunlad na tayo ngayon at din a katulad noon